Search
  • BULGAR

Comelec, masyadong binebeybi ang Duterte Youth Partylist, buwisit!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 29, 2020



GALANTE SA PAMIMIGAY NG PANG-“PROJECTS” SI CAYETANO KAYA “LABS” SIYA NG MGA CONG.—Hindi lang miyembro ng supermajority, kundi pati ang mga kasapi ng minority group sa Kamara ang nagpahayag ng suporta sa pagpapatuloy ng liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano sa Kongreso, na ibig sabihin ay tapos na ang pangarap ni Marinduque Rep. Alan Lord Velasco na maging bossing ng mga kongresista.


Dapat pa bang i-memorize ‘yan, eh, sa pagiging galante ni Cayetano sa pagbibigay ng bilyones na “pork barrel”, este, pang-“projects” sa mga kongresista ay talagang magiging ‘labs’ talaga ito ng mga cong., buwisit!

◘◘◘

KAPAG NATALO ANG “MANOK” NI P-DUTERTE SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION, LAGOT ANG MGA TAGA-COMELEC—Napakaraming violations ng “Duterte Youth Partylist”, tulad ng hindi ito nai-publish na partylist, ano’ng marginalized sector ito, ginamit ang pondo ng National Youth Commission (NYC) sa kampanya at iba pang isyung may kinalaman sa paglabag sa Comelec rules.


Dapat pag-isipang mabuti ng mga opisyal ng Comelec kung itutuloy nila ang pagbibigay ng certificate of proclamation kay Mrs. Ducielle Cardema (misis ni NYC Comm. Ronald Cardema) para maging congresswoman ng nasabing partylist kasi sa ginagawa nilang “pambebeybi”, kapag sa May 2022 presidential election ay natalo ang “manok” ni P-Duterte, malamang ay ma-impeach, makasuhan at makulong sila, boom!

◘◘◘

“TIKBOY” NA NAGPAPA-OPEN NG SUGALAN SA MAKATI, PASAY AT LAS PIÑAS, DAPAT IPA-TOKHANG NI GEN. CASCOLAN—Isang alyas “Tikboy” daw na nagpapakilalang tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-South Sector ang nagbibigay ng “go signal” sa mga gambling lords na mag-operate sa Makati City, Pasay City at Las Piñas City.


Dapat ipa-“tokhang” na ito ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan kasi mantakin ninyo, ang daming naghihirap dahil sa virus, gusto pa nitong iparaket sa mga ilegalista, tsk-tsk-tsk!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.