top of page
Search
BULGAR

Cha-cha, hindi ‘magic solution’

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 15, 2024


Hindi “magic solution” ang pag-amyenda ng Konstitusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.


Kailangan nating bigyan-diin sa ating mga kababayan na hindi agarang malulutas ang samu’t saring isyu dahil sa Charter change o Cha-cha.


☻☻☻


Pangunahing alalahanin pa rin ng mga kababayan natin ang taas ng presyo ng bilihin at kagutuman — mga isyu na hindi mareresolba sa loob ng isang taon o dahil lang sa pagkakapasa ng batas.


Kailangang ipagtanto natin sa mga kababayan natin na matagalang proseso ang pag-amyenda ng Konstitusyon. 


Huwag natin sila paasahin na kapag bumoto sila para sa Cha-cha sa plebisito, pagkatapos ng isang buwan ay bababa na ang presyo ng bigas, o bababa na ang presyo ng krudo, o maaayos na ang problema natin sa kuryente.


Hindi lang Cha-cha ang solusyon.


☻☻☻


Sa pagpapatuloy ng hearing ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation tungkol sa People’s Initiative campaign nitong Martes, hinimok natin ang People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) na ilahad ang kanilang organizational structure.


Interesado tayo rito dahil nais nating malaman kung sino ang nagpagalaw ng kampanya.


Hindi biro ang kampanya para mangalap ng mga pirma para sa People’s Initiative — kailangan nang maayos na organisasyon para sa ganitong gawain.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page