Search
  • BULGAR

Cebu City, bagong epicenter ng COVID-19 sa ‘Pinas

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Ayon sa National Task Force against COVID-19, nasa Cebu City na ang epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas.


Nakapagtala ng 131 bagong kaso ang Cebu City noong June 28, samantalang 356 naman sa Metro Manila mula sa 17 local government unit.


Sabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, mas marami na ang kaso sa Cebu City kaysa sa Metro Manila na may 17 LGU sa pagkukumpara nito sa area at populasyon.


Kaya naman pupunta ang ilang Government official para makahanap ng bagong isolation facility. “Hindi natin sigurado kung napatutupad ban g mga ito ang protocol sa home quarantine, kaya naman mas mainam na ilagay sila sa isang pasilidad upang matutukan ng mabuti”, sabi ni Año.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.