Search
  • BULGAR

CCMC-South, muling isasara ng 14 araw

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 1, 2020



Inanunsiyo ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na pansamantalang isasara muli ang Caloocan City Medical Center-South (CCMC) sa loob ng 14 araw matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang medical staff.


Mababasa sa Facebook account ni Mayor Malapitan, “Pansamantalang isasara muli ang

Caloocan City Medical Center-South (CCMC) matapos madagdagan pa ang bilang ng ating mga medical staff na nagpositibo sa Covid19.


“Ayon kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, nasa 61 personnel na ng ospital ang tinamaan ng virus at lahat sila ay naka-quarantine na.”


Simula 12:01 AM ng Agosto 1 hanggang 11:59 PM ng Agosto 14 isasara ang CCMC kasama ang Emergency Room upang makapag-self isolation ang mga medical staff.


Saad pa ni Mayor Malapitan, “Magpapatuloy pa rin ang pagbibigay natin ng kinakailangang atensyong-medikal sa mga pasyenteng naka-admit na. Gayundin, patuloy na magbibigay-serbisyo ang ating Out-Patient Department na matatagpuan sa Old City Hall Plaza at ang Caloocan City North Medical Center (CCNMC) na mananatiling bukas sa ating mga mamamayan.


“Sa kasalukuyan, ang CCMCC ay nasa 'overflowing capacity' pa rin para sa mga pasyente ng Covid-19. Hinihikayat natin ang publiko na dalhin ang mga positibo o suspected Covid-19 patients sa ibang ospital para sa agarang lunas.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.