Search
  • BULGAR

Cardboard, ginawang kama sa India

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Libu-libong kama na gawa sa cardboard ang ipinamahagi sa mga medical facility sa India na makatutulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Ito ay dinisenyo ni Vikram Dhawan kasama ang kaniyang kapatid habang nasa bahay. Ang cardboard bed ay chemically coated para maging water-proof at kaya nitong bumuhat ng halos 300 kg. (660 lbs.).


Magaan lang ito at kayang buhatin ng isang tao. Ayon sa pag-aaral, 3 araw ang itinatagal ng virus sa bakal, samantalang 24 oras lamang ang itinatagal sa cardboard.

10,000 kama ang ipamamahagi ng New Dehli government sa lahat ng coronavirus facility.


Wala pang inilalabas na presyo ang magkapatid na Dhawan ngunit, hinihinalang aabot lamang sa $10.


“Ang presyo nito ay tulad lamang ng pagkain na binibili natin sa restaurant,” sabi ni Dhawan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.