Search
  • BULGAR

CanSino vaccine para sa COVID-19, maaari ng gamitin ng militar sa China

ni Thea Janica Teh | June 30, 2020




Maaari ng gamitin ng military ng China ang COVID-19 vaccine na gawa ng CanSino Biologics matapos sumailalim sa clinical trial.


Isa ang Ad5-nCov sa 8 vaccine candidate ng China na aprubado na sa human trial sa bahay at sa abroad para sa COVID-19. Ito rin ay naaprubahan sa human testing sa Canada.


Ito ay inaprubahan ng military ng China noong June 25. Ang vaccine ay ginawa ng CanSino kasama ang Academy of Military Science (AMS).


“Ang vaccine na ito ay limitado muna sa mga military habang wala pang approval ng Logistics Support Department,” sabi ng CanSino.


Sa Phase 1 at 2 ng clinical trial ng CanSino vaccine, nakita na may potensyal itong makagaling sa COVID-19 na nakapatay ng halos kalahating milyong katao. Ngunit, hindi pa natitiyak ang commercial success nito.


Sa ngayon, wala pang aprubadong vaccine ang maaaring gamitin laban sa COVID-19 ngunit, halos isang dosenang vaccine mula sa 100 kandidato sa buong mundo ang dumadaan na sa human trial.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.