ni Angela Fernando @Entertainment News | August 11, 2024
Nag-post si Céline Dion sa social media upang kondenahin ang hindi otorisadong paggamit ng kanyang kantang "My Heart Will Go On" sa kampanya ni Donald Trump para sa rally nito sa Montana.
Pinatugtog ang kanta bago dumating si dating Pres. Donald Trump at ang kanyang running mate na si J.D. Vance sa rally kamakailan sa Bozeman, Montana.
Ibinahagi ang pahayag sa official account ni Dion sa ‘X’ at pinaliwanag na walang alam ang singer dito.
"Today, Celine Dion's management team and her record label, Sony Music Entertainment Canada Inc., became aware of the unauthorized usage of the video, recording, musical performance, and likeness of Celine Dion singing 'My Heart Will Go On' at a Donald Trump / JD Vance campaign rally in Montana," saad sa post.
"In no way is this use authorized, and Celine Dion does not endorse this or any similar use. [...And really, THAT song?]" pagbibigay-diin nito.
Inulan naman ng samu't saring komento ang naging pahayag na inilabas sa opisyal na account ni Dion. Marami ang kumampi sa singer dahil naapakan daw ang karapatan nito sa kanyang awitin.
Comentarios