Search
  • BULGAR

Buto't balat na nang mawalan ng BF… RHIAN, GUSTO NANG BIGYAN NG AYUDANG LAFANG

ni Nitz Miralles - @Bida | October 17, 2020



Sa sobrang concerned ng mga netizens sa pagpayat ni Rhian Ramos, kulang na lang, ayudahan nila ng food ang Kapuso actress. Kung manghihingi ng food ayuda si Rhian, siguradong marami ang magpapadala kahit araw-araw. Tiyak din na hindi sila titigil sa pagpapadala ng pagkain hanggang hindi nila nakikitang mataba na uli si Rhian.


Pero, Rhian is okay. Sinasabi naman niya ito at tiyak na magiging okay sa mga susunod pang araw lalo na ‘pag naka-move on na talaga sa breakup nila ng kanyang ex-boyfriend. Aminado naman si Rhian na ang sobrang stress dahil sa breakup ang foremost reason sa kanyang pagpayat.


Okay na nga si Rhian at nakapagtrabaho na and in fact, mapapanood na sa Monday (Oct. 19), 9:15 PM via I Can See You: Truly. Madly. Deadly sa GMA Telebabad ng GMA-7, ang first project niya after ng lockdown.


Kasama ni Rhian sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa mini-series, kaya isa sa mga tanong sa kanya ay how was it working with the couple?


“Almost overwhelming, mabilis ang trabaho at hindi na kailangang trabahuhin pa. Nanghingi pa nga ako ng pointers kay Dennis dahil ang feeling ko, sobrang sabaw at sobrang kinalawang na ako at feeling ko, mahihirapan akong mag-memorize ng script. Kaya, after ng taping at pauwi na ako, ang sarap ng feeling na nagawa namin ‘yun,” sagot ni Rhian.


Sina Rhian at Jennylyn ay nagkasama sa pelikulang Indio, pero wala silang eksenang magkasama. Nagkasama rin sila sa My Love From the Star pero wala rin silang dialogue together.


“Kaya excited ako sa Truly. Madly. Deadly, this is the first time na magkakatrabaho kami. She’s such a pro and I got to know her as a person,” dagdag ni Rhian.


Never mind kung mala-kontrabida kina Jennylyn at Dennis ang role niya.


Naghahanda na rin si Rhian sa pagre-resume ng taping ng Love of My Life na sabi nito, hindi na diretsong one month ang lock-in taping, kundi every after two weeks na lang. Baka nga naman sa halip na makatulong sa cast ang matagal na taping ay maging disadvantage pa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.