Search
  • BULGAR

Bus rerouting scheme: Solusyon ba talaga o problema?

ni Ryan Sison - @Boses | October 17, 2020


Hirap pa rin ang napakaraming komyuter dahil sa bus rerouting scheme.


Bukod sa hindi alam kung saan dapat sumakay o bumaba, inilagay pa ang loading and unloading area sa bangketa.


Ang ending, dikit-dikit ang mga paninda at pasaherong bumababa o sumasakay.


Matatandaang kamakailan, grabeng hirap ang dinanas ng napakaraming pasahero dahil sa kalituhan at kakulangan ng kaalaman sa ipinatupad na bus rerouting scheme. Kaya sa halip na maginhawa ang biyahe, nauwi sa kilo-kilometrong lakaran.


Dahil dito, muling pag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipinatutupad na bus rerouting scheme upang matugunan ang mga reklamo ng apektadong sektor, lalo na ang mga pasahero.


Bukod pa rito, nakita ang isyu ng mga barangay sa pagtatalaga ng loading and unloading zone sa kanilang lugar, gayundin ang mga street vendor.


Ngayong tag-ulan, kitang-kita natin ang kalbaryo ng mga komyuter. Pahirapan na sa pagsakay, dagdag-perhuwisyo pa ang baha.


Pakiusap sa mga kinauukulan, pakibilisan ang aksiyon dahil hindi puwedeng magtagal sa ganitong sitwasyon ang mga komyuter.


Gayundin, agad na ipaalam sa publiko ang plano para hindi maulit ang nangyaring kalituhan. Kumbaga, ‘wag biglain ang taumbayan dahil baka sa halip na solusyon ang ibigay natin, panibagong hirap na naman.


Marami ang hirap pa rin sa epekto ng pandemya, kaya ‘wag na nating dagdagan pa ang problema.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.