Search
  • BULGAR

Bukod sa may sariling gym… BAHAY NINA SARAH AT MATTEO, SUPER-LAKI NG SALA AT KUSINA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 01, 2020




Minimalist ang ayos ng bahay ng newlywed couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo at napakasimple ng interior design nito. Reflection daw ito ng kasimplehan ng Pop Royalty.


Pati ang mga furniture, kurtina atbp. palamuti ay subdued ang kulay at hindi matitingkad.


May sariling gym, music room at study room ang bahay, bukod sa napakalawak na sala at kitchen.


May isa ring room para sa collection ng mamahaling bisikleta ni Matteo.


Well, dahil nasa gcq pa ngayon ang buong Metro Manila at wala pang ginagawang project sina Sarah at Matteo, naaasikaso nila ang pag-aayos ng kanilang love nest.


Nawiwili ring mag-bake at magluto si Sarah para sa kanyang hubby.


Ang tanong ng mga fans, sakaling makabalik na sa normal ang lahat, itutuloy pa ba nina Sarah at Matteo ang plano nilang magkaroon ng church wedding?


At this time kaya ay imbitado na ang pamilya ni Sarah G. bukod sa kanilang mga kaibigan?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.