Search
  • BULGAR

Bubble at Closed Circuit method, gagawin sa PBA

ni MC / VA - @Sports | June 29, 2020




Maaari nang simulan ng PBA ang nasuspindeng 45th season nang maaga sa inaasahan sa sandaling magbigay na ng go signal ang Inter-Agency Task Force na ilagay ang Metro Manila sa ilalim ng Modified GCQ kasabay ng pagtiyak ni Commissioner Willie Marcial na handa na ang pro-league na i-resune ang laro ng Philippine Cup ngayong taon na ipatutupad ang mahigpit na health at safety protocols.


Pinag-usapan noong Huwebes ng IATF ani Games and Amusement Board Chairman Baham Mitra ang possible na pagbabalik ng pro sports. Nagsumite ang GAB ng proposal sa IATF nitong unang bahagi ng buwan kabilang na ang step-by-step program mula sa limitadong praktis at paglalaro sa "bubble" environment.na paiiralin ang istriktong health protocols.


Hiniling din ang paglilinaw kung sakaling nasa MGCQ na ay papayagan ng IATF ang sporting events tulad ng basketball, boxing, muay, football at mixed martial arts na may 50 percent lang na manonood ang papapasukin.


" The first step is to open up practices with no scrimmages and limited to 6 participants for every 45 minute or one hour session, four players, one health officer and a trainer, " ani Marcial. " Ang objective ay magpakondisyon ang mga players at mabigyan sila ng confidence to get back sa court. Pag nasa modified GCQ na tayo, baka payagan na ng IATF magkaroon ng games. Kung by July mayroon nang linaw, tatawag tayo ng emergency PBA Board of Governors meeting to discuss ang next step. Possible na hindi na natin hintayin ang August to decide kelan ituloy ang season. With IATF"s approval, pwede na tayong magre-start sa Seprember."


Noong Martes, nakipag-usap si Marcial sa players representatives sa lahat ng 12 teams sa viewing room ng PBA office sa Libis. Dumalo ang players na sina LA Tenorio, Marc Pingris, KG Canaleta, Sean Anthony, Matthew Wright, Jaysonn Castro, Jvee Casio, Asi Taulava, Reynel Hugnatan, CJ Perez, Chris Ross at Beau Belga. Ang meeting ay umabot ng 2 at kalahating oras at pinairal ang strict safety health protocols at social distancing.

Iprinisinta ni Marcial at ni deputy commissioner Eric Castro ang PBA system of operations sakaling maaprubahan na ang praktis at games. " Pagkatapos ng kumustahan, ipinaliwanag namin sa players ang ' bubble concept at closed circuit method," ani Marcial. Inilatag namin ang process flow chart kung magkaroon ng positive sa praktis or games. In-explain namin ang mga health and safety protocols, disinfection of facilities, testing procedures, lahat. After ng presentation, sila-sila nag-usap for 30 to 40 minutes at kami nina Eric at PBA staff stepped out."


Oras na maging malinaw na lahat sa IATF ang lagay ng PBA,iimbitahin niya ang players sa susunod na pulong para mapag-usapan ang implikasyon ng desisyon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.