top of page
Search
  • BULGAR

Bike, sapin ng sofa, unan, etc…

JINKEE, TODO-DISPLEY SA MGA HERMES NA GAMIT SA BAHAY, TAKOT NAMAN SA COMMENT NG NETIZENS

ni Nitz Miralles - @Bida | July 6, 2020




Naka-set sa “comments on this post have been limited” ang Instagram ni Jinkee Pacquiao, kaya walang basher na makapag-comment sa ipinost niyang Hermes bike na ang caption ay “His and Hers.”


May nakalagay sa bike na “Paris” kung saan ito gawa.


Napansin namin na magkaiba ang Hermes bike na pambabae at panlalaki, pero parehong maganda at ang ganda ng kulay nitong pastel. Maganda sanang basahin ang comments ng mga netizens kung open lang ang comment box ng IG ni Jinkee.


Siguradong may mababasa kaming comment na bisikleta lang, kailangang made in Paris pa. May magko-comment pa tiyak na bakit kailangan pang ipakita ni Jinkee ang bike nilang mag-anak?


Actually, hindi lang bike ng mga Pacquiao ang Hermes ang brand, pati cover ng sofa nila at throw pillow case ay Hermes din. Walang magagawa ang mga bashers, can afford bumili sina Jinkee at Sen. Manny Pacquiao ng branded na mga gamit.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page