top of page
Search
  • BULGAR

Biglaang pagreretiro ni Williams, pinagpapaliwanag

ni VA - @Sports | September 11, 2020




Naghihintay ang TNT management ng paliwanag ni Kelly Williams sa naging biglaang desisyon nito na magretiro pagkaraan ng 14 na taon ng paglalaro sa PBA.


Marami ang nasorpresa sa ginawang pagreretiro ni Williams sa flagship franchise ng MVP group.“We are currently waiting for his Notice to Explain,” pahayag ni KaTropa team manager Gabby Cui. Inihayag ng 38-anyos na Williams ang desisyon niyang tumigil na sa paglalaro sa pamamagitan ng kanyang social media account.


Sa nagdaang huling sampung taon naglaro si Williams sa Katropa na tinulungan niyang magwagi ng limang kampeonato mula nang makuha siya ng koponan noong kalagitnaan ng 2010 Fiesta Conference sa isang multi player trade mula sa dating koponan ng Sta.Lucia kung saan siya nagwagi bilang league MVP noong 2008.


“We only learned about his decision to retire via social media only,” wika pa ni Cui.


Nauna rito, binigyan ang 6-foot-6 forward kasama nina Almond Vosotros at Samboy De Leon ng contract extension hanggang matapos ang taon.


Sumama pa si Williams sa KaTropa sa kanilang training camp sa INSPIRE Sports Academy sa Calamba, Laguna matapos payagan ang mga PBA teams na magbalik ensayo.


Pero umalis siya sa bubble noong Setyembre 2 ng walang sinabing kadahilanan o paliwanag. “Kelly Williams left our training camp on Sep 2 without any notice or explanation until now. He has not reached out to us ever since,” ayon pa kay Cui.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page