Search
  • BULGAR

BF ni Vice Ganda, malapit na rin daw magladlad dahil sa kilos…

ION, TINAWAG NA BAKLA, NETIZEN NIRESBAKAN NG 'UL*L'

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 01, 2020




Galit si Ion Perez sa ilang netizens dahil sa sunud-sunod na panghuhusga sa kanya kung saan tinawag pa siyang "bakla".


Sa ipinost nitong selfie photo sa kanyang Instagram account nu'ng Lunes (June 29), mukha raw siyang bakla dahil makikitang naka-cross legs siya habang hawak ang kanyang cellphone.


Nalamang matapos magpakulay ng buhok sa isang salon si Ion, nag-mirror selfie siya habang nakaupo at naka-cross legs pa.


Sa comments section, lumabas ang kuru-kuro na "bakla" umano si Ion at baka malapit na rin daw mag-out (magladlad).


Hindi nagustuhan ni Ion ang malisyosong espekulasyon ng mga netizens at masama ang kanyang loob.


"Upong Koreano, bakla agad??? Mga ul*l hahahahaha," resbak ni Ion.


Isa-isa ring sinagot ni Ion ang ibang mga nanghuhusga sa kanyang sexual orientation.

Pasaring pa ng isang netizen, "Lutoooo naaaa ang adobo... wait! Konting paminta pa nga...."


Ang "paminta" ay gay lingo na ikinakabit sa isang bakla na nagkikilos-straight (o nagkukunwaring tunay na lalaki).


Buwelta ni Ion, "Aba, nakapagluto ka ng adobo?? Ubos na ba ang basura sa brgy. n'yo?? Hahahaha."


May nagkomento rin na ang BF daw ni Vice Ganda ang "next BB Gandanghari" na dating kilala bilang '90s matinee idol na si Rustom Padilla.


Sagot ni Ion sa netizen, "Kamukha mo aso mo!! 'Wag naman sana pati ugali, sayang ang aso!"


Hirit ng isa pang netizen, "Sabi ko na Barbie, eh."


Hango ito sa viral video kung saan isang batang lalaki ang natuwa nang regaluhan ng Barbie doll.


Maanghang na sagot ni Ion: "Isa pa 'tong mukhang trapal ng motor! Pero 'wag na ikaw alala, ikaw may pakinabang kasi lagi ulan ngayon, ok?"


Sa huli, napagtanto ni Ion na wala siyang mapapala sa mga taong kaybilis humusga ng kapwa.


"Ano wala na ba?? Patunay kayo (na) wala pala ako mapapala sa inyo, hahahahahaha."

May iba rin namang netizens na dinepensahan si Ion.


Paalala ng isa, hindi dapat gamitin ang salitang "gay" o "soft" para mang-insulto o maging katatawanan ang isang tao.


May nagsabi ring hindi naman isyu kung "bakla or straight" si Ion.


"Maging masaya na lang din tayo para sa kanila. Jusko po, 'wag masyadong bitter, mga ate/kuya, baka bukas, paggising mo, 'yung BLESSING ang maging bitter sa inyo," saad ng netizen.


Dagdag pa ng isa, hindi naman nakabase sa kilos ng tao kung ano ang sexual orientation nito.


"Daming hanash ng iba.. TATAY ko, ganyan din umupo pero 'di naman napagkakamalang bakla! Jusko, may ma-issue lang, mga siztmars??"

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.