Search
  • BULGAR

BF ng anak, 'di pa rin tanggap… ANNABELLE KAY RUFFA: MGA ANAK MO ANG UNAHIN MO, 'WAG IBANG TAO!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 26, 2020




Ang bongga ng birthday message ni Annabelle Rama sa kanyang panganay na anak and only daughter na si Ruffa Gutierrez. Bihira siyang mag-tweet pero nag-tweet siya kahapon para batiin ang unica hija na nagdiwang ng kanyang 46th birthday last June 24.


“Happy birthday to my one and only daughter @iloveruffag. Sorry that Alexa & I didn’t go to your place to celebrate w/ you last night. I just saw it in your Instagram this morning,” ang unang tweet ni Tita Annabelle.


“Busy day for me yesterday. Hope you understand kung nasaan ako. Take care of your health. Don’t forget to have check up every year, katulad ka rin sa akin, takot sa doctor and injection,” dagdag pa niya.


Binilinan niya ang anak na alagaan ang dalawa nitong anak at may pahaging na huwag ibang tao ang i-prioritize na tila ang boyfriend ni Ruffa ang tinutukoy.


“Take care of Lorin & Venice. Ipa-prioritize mo silang dalawa sa buhay mo. Give them all your love. Not other people.


“Every time we talk, lagi tayong nag-aaway. You know the reason why. You & our family palagi kong ipinagdarasal. Kasama kayo lagi sa prayers ko. Kaya ang tagal ko sa harap ng altar ko,” mensahe ni Tita A.


Pero nakaka-touch ang sumunod niyang linya. Aniya, “I know you love me. I feel it & I can see it. This difficult times na-prove ko lahat.”


At ikinuwento niya ang ginawa ni Ruffa na pinadalhan siya ng tseke kahit na magkaaway sila that time at alam niyang wala rin naman daw trabaho ang anak ngayon.


“I was so shocked the night before I left. Dumating 'yung PA mo, 9 pm, may dalang check from you.


“Super shocked dahil magkaaway tayo that time. We did not talk. I understand wala tayong trabaho lahat. Lumabas pa rin ang pera. You touched your savings for me,” tweet pa ni Tita Annabelle.


Aminado ang Gutierrez matriarch na talagang na-touch siya sa ginawa ni Ruffa.


“Alam kong never mong ginalaw ang savings for your kids. Kaya sobrang touched. I didn’t expect anything from you.


“But anyway nagmana ka rin sa daddy mo, malambot ang puso at hindi nagtatanim ng galit kaya ka sinusuwerte. Hindi katulad ko, isinusumpa ang kaaway,” ang saad pa ni Tita A.


Hindi lang kay Ruffa nagpasalamat si Annabelle kundi maging sa kambal niyang anak na sina Raymond and Richard na sinagot daw ang kanyang treatments bukod pa sa pagpapadala pa raw ng pagkain sa kanya.


“You sending food every Sunday, thank you so much for turmeric juices & most of all for your generosity. Sinagot mo lahat ang expenses ng treatments ko even though I didn’t ask you & Richard, Raymond for help,” tweet pa ni Annabelle.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.