Search
  • BULGAR

Best female athletes pararangalan ng PSC

ni VA - @Sports | June 29, 2020




Bigyan ng kaukulang pagkilala ang mga kababaihang mga atleta na nagbigay karangalan sa bansa ang plano ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Celia Kiram.

Ito ang inihayag ni Kiram sa PSC Chatroom podcast noong nakaraang Sabado.


"Meron akong iniisip na magkaroon kami ng mga parangal sa mga kababaihang atleta natin," ani Kiram.

Aniya, magiging kakaiba ang balak niyang awards rites mula sa general awards na ibinibigay ng PSC sa mga outstanding athletes.

Sa mga nagdaang taon, kapansin-pansin ang pag-angat ng mga kababaihang atleta sa international scene na nagbigay ng di matatawarang karangalan sa bansa.


Tampok dito ang pagwawagi ni weightlifter Hidilyn Diaz ng silver medal sa nakaraang 2016 Olympics sa Rio De Janeiro.

Sinundan pa ito ng pagwawagi ng mga Pinay athletes ng gold medal sa 2018 Asian Games sa Jakarta sa pamumuno ni Diaz.

Noon din nakilala at nagsimulang makilalala at mammmayagpag sina skateboarder Margielyn Didal at mga golfers na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Kaye Go na siyang kasama ni Diaz sa pagbibigay sa Pilipinas ng 4 na gold medals sa Asiad.

Sa nakaraan namang 30th Southeast Asian Games, nagdomina naman sa kanilang event sina taekwondo jin Pauline Lopez at second generation athlete Jamie Lim sa karatedo.

Nariyan din ang RP Blu Girls at ang boxer na si Nesthy Petecio na nanalo ng gold sa world championship. Hindi rin papahuli si Irish Magno na nagawang mag -qualify sa Tokyo Olympics Games.


Kapag natuloy, naniniwala si Kiram na makakatulong ang idaraos nilang awarding ceremony upang pasiglahin pa ang performances ng mga kababaihang atleta.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.