top of page
Search
  • BULGAR

Bayanihan 2 vs. COVID-19, madaliin na

ni BRT | July 5, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Dapat bigyang prayoridad ang agarang pagpasa ng batas kaugnay sa ikalawang Bayanihan Bill laban sa COVID-19, sa oras na buksan ang sesyon sa Kongreso ngayong buwan.


Ayon kay San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida Robes, dapat na muling magkaisa ang mga mambabatas at isantabi muna ang hindi pagkakaunawaan upang agad na maipasa ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 bilang kapalit ng House Bill 6953.


Matatandaang, Hunyo 4 nang inaprubahan ng House Committee of the Whole ang HB 6953 nang hindi na dumaan pa sa debate at sponsorship kaya inaasahan na sa pagbubukas ng sesyon, agad na isasalang ang panukala sa period of amendments bago ito isumite upang aprubahan sa ikalawang pagbasa.


Si Robes ang isa sa pangunahing nag-akda ng HB 6053 at maaga ring naghain ng Resolution No 910 na nananawagang palawigin ang epekto ng R.A. 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act hangga’t hindi pa nakakatuklas ng gamot na panlaban sa Covid-19.


Aniya, kailangan pa ring pagkalooban ng sapat na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng bagong panukala upang maisakatuparan ang pambihira subalit, kinakailangang hakbang para maprotektahan at matulungan ang mamamayan na patuloy pa ring dumaranas ng hirap.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page