Search
  • BULGAR

Bayanihan 2 o “Bayanihan to Recover as One Act”, ipaprayoridad!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 29, 2020


Mahigit 80,000 na kaso ng COVID-19, 5.2 milyong pamilyang nakaranas ng involuntary hunger at 7.3 milyong walang trabaho dahil sa pandemya.


Tatlo ito sa napakaraming hamon na hinaharap natin ngayong pandemya na inasahan nating tutugunan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address.


Itinuturing nating missed opportunity ang hindi pagtalakay ng pangulo ng roadmap kung paano matutugunan ang mga isyung ito.


Gutom at puno ng pangamba ang ating mga kababayan. Mainam sanang pagkakataon ang SONA upang mapanatag ang loob ng pamilyang Pilipino na may malinaw na direksyon tayo para maalpasan ang napakalaking krisis na ito.


☻☻☻

Sa amin naman sa Senado, handa kaming makipag-tulungan sa administrasyon sa pagpasa ng mga batas na makakatulong sa recovery efforts natin.


Nangako na ang liderato ng Senado na gawing priority ang Bayanihan 2 o “Bayanihan to Recover as One Act.”


Nilalayon ng Bayanihan 2 na maglaan ng P140 billion para sa iba’t ibang socioeconomic at health programs para sa muling pagbangon ng bansa.


Sa katunayan, sa araw na dapat mag-adjourn ang Senado sine die ang First Regular Session noong Hunyo, naghihintay ang Senado ng urgent certification ng Bayanihan 2. Kung nabigyan ito ng urgent certificate noon, hindi na kailangan sundin ang 3-day rule sa pagitan ng 2nd at 3rd reading at naipasa na sana ang panukalang-batas na ito.


☻☻☻


Napakarami nating kailangang gawin at kinakailangang magtulungan tayong lahat kung muli tayong babangon mula sa dagok ng COVID-19.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.