Search
  • BULGAR

Bayanihan 2- isinusulong ng Pamahalaan laban sa COVID-19

ni Thea Janica Teh | June 26, 2020




Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque Jr., kinakailangan muli ng Bayanihan Act para mapanatili ng pamahalaan na matugunan ang COVID-19 sa bansa.


Sa pagtapos ng Bayanihan Act at kasabay ng pagtapos ng emergency power ni Pangulong Duterte, sinabi ni Roque na maaaring magkaroon muli ng pagpupulong ang Chief Executive. Ito ay para malaman kung kinakailangan pa ng special session sa kongreso para sa mga bagong protocol tulad ng stimulus package.


Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Roque na maayos ang pagpapalakad ng administrasyon sa nararanasan nating krisis sa kalusugan. Ito ay dahil mas maliit na ang bilang ng namamatay kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.