Search
  • BULGAR

Balita tungkol sa COVID-19, paulit-ulit lang!

ni Ka Ambo - @Bistado | July 11, 2020



Hinatulan na ang ABS-CBN.


Sino ang nagpaka-Poncio Pilato?


◘◘◘


Press freedom ba ang pinagbotohan sa Kamara?


Malaking kahangalan!


◘◘◘


Hindi press freedom ang hinatulan sa Kamara kundi negosyo ng mga dating kroni at oligarko.


Niloloko n’yo ang mga sarili ninyo!


◘◘◘


Sugal ang pinasok ng mga pamilya Lopez.


Alam nilang minsan ay inaalat-alat at minsan ay binubuwenas-buwenas!


◘◘◘


Walang naitalang namatay noong Huwebes sa COVID-19.


Pwes, may improvement!


◘◘◘


Ang aktuwal na bilang ng mga naospital ay hindi indikasyon ng paglala ng epidemya.

Ito ay indikasyon ng paghusay ng health services.


Mabuting indikasyon ito upang dumami ang recoveries kung kaya’t dapat nang bawasan ang “paghahasik ng takot” sa publiko!


◘◘◘


Malinaw na may gamot sa mga tinatamaan ng COVID-19.


Ititigil na ang pagkakalat ng maling impormasyon na “walang gamot” sa sintomas ng COVID-19!


◘◘◘


Sangrekwa ang media na nakatutok, bakit walang ulat sa mga “severe cases”?


‘Yan ang kahinaan ng mga news director at editor.


Hindi bihasa ang mga nag-uulat ng balita—nangongopya lang sila at hindi nagsasaliksik!


◘◘◘


Kung ano ang impormasyong sabihin ng WHO at DOH—inuulit lang ng media.


Isang malaking kabaliwan ang pag-uulat na ‘yan!


◘◘◘


Ang problema, kung ano ang ulat ng isang reporter—‘yan din ang ulat ng iba pa.


Talagang kopyahan sila sa “lipas nang impormasyon”.


Paulit-ulit lang ang mga balita—walang bago, walang nagsasaliksik!


◘◘◘


Ang mahusay na pamamahayag ay ang pag-uulat ng orihinal na impormasyon nang hindi pa kailanman, naiuulat ng iba.


Dapat may pagsasaliksik na isinasagawa ang mga media outfit.


Lahat sila ay tamad at mahina ang pinagkukunan!


◘◘◘


Nalalaos ang journalis kasi nagkokopyahan lang ng balita imbes na magsaliksik.

Halimbawa, nag-i-interview sila ng mga “locally stranded individual”—pero hindi nila kinakapayaman ang sangrekwang “palaboy” sa lansangan sa Metro Manila.


Binibigyan ng ayuda ang mga nasa bahay—pero ang palaboy sa kalye ay pinababayaan lang.


Hindi rin kinakapanayam ng media ang mga beteranong palaboy sa kalye.


Nakakatawa at nakakalungkot ang kolokohang ito!


◘◘◘


Ang daming “namamaril ng thermal scanner”—pero subukan ninyong mag-imbestiga—kunwari lang ‘yan.


Hindi epektibo, basta gusto lang sumunod na protocol na walang kabuluhan!


◘◘◘


Napakaraming pinagkaitan ng trabaho dahil ang mga awtoridad ang nagkakalat ng takot sa publiko.


Ang tamang konteksto sa mga opisyal na pahayag at impormasyon ay “alisin ang takot at maging kalmante” ang lahat.


Hindi ‘yan ang nagaganap!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.