Search
  • BULGAR

Baguio City Jail, nagsagawa ng 1st ever DOTA Tournament

ni Thea Janica Teh | July 30, 2020


Nagkaroon ng sagupaan ang mga kalalakihan sa Baguio City Jail Male Dorm, ngunit sa

larong Warcraft 3 custom map Defense of the Ancients (DOTA).



Ang kauna-unahang DOTA tournament ay pinangunahan ni Major Bartolome Tresmanio

kasama ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Baguio bilang parte sa

pagsulong ng mental health sa mga PDL.


Ito ay ibinahagi nila sa kanilang Facebook Page at sinabing ayon sa research ng Qutee, halos 40% ang nagsasabing nakatutulong sa emotional well-being ng mga tao ang gaming.


Ito ay isang malaking benepisyo na dapat ikonsidera dahil isa sa limang tao sa Amerika ang nakararanas ng mental health isyu kada taon.


Kaya naman mabisa itong gawin para mapanatili ang kalusugan ng pag-iisip ng mga taong nasa pangangalaga ng BJMD lalo na sa panahon ng pandemic.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.