Search
  • BULGAR

Baguhang aktres, Kapamilya raw forever…

HIRIT NI HEAVEN: GINAWA KO ANG LAHAT PARA MAKABANGON ANG ABS-CBN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 17, 2020




Masaya ang cast ng bagong Kapamilya series na Bagong Umaga na muli ay mapapanood na ang ABS-CBN sa free tv via A2Z Channel 11. Aminado naman sila na talagang naging napakahirap at napakasakit para sa kanila ang pagkakatigil sa ere ng network last May na nasundan pa ng hindi pagkaka-renew ng prangkisa.


Paano nga ba nila hinarap ang bagong umaga matapos ang nangyaring shutdown ng ABS-CBN?


“'Yung nangyari po sa ABS-CBN,” ayon sa isa sa mga bidang si Michelle Vito at the Zoom conference held last Thursday, “mahirap po talaga siya at first and talagang doon kasi ako lumaki and doon natupad ‘yung mga gusto kong gawin, ‘yung passion ko, doon ko nagawa. Ang laki ng tulong sa akin ng ABS, so mahirap po talaga siya nu'ng nangyari talaga ‘yun.


“And until now kasi, nakikita ko pa rin ‘yung mga epekto pa rin sa ibang mga tao and sa kumpanya.


“But siguro, malaking bagay ‘yung matuto tayong mag-move forward, hindi po tayo dapat mag-stay du’n sa nangyari and kailangan tayong mag-isip ng ways, ng paraan kung paano natin malalampasan itong pagsubok na ‘to.”


At isa nga raw sa mga naging paraan ng network para maibalik sa free TV ay ang pakikipag-partner sa A2Z Zoe TV kaya naman very thankful sila.


Ayon naman kay Kiko Estrada, nalungkot din daw siya of course pero deep inside ay confident siya na makakabangon din ang network.


“Because you know, you can’t put down a number one network,” he said.


Kaya ang ginawa raw niya ay naging handa sa pagbabalik ng network.

“Eat healthy and do home workouts para if ever there’s a call for a show, I’ll be ready so, sumakto naman, and I’m so blessed to be a part of the show,” ani Kiko.


Ayon naman kay Barbie ay malaki rin daw ang utang na loob niya sa Kapamilya Network kaya hindi niya alam ang gagawin nang mag-shutdown ito.


Pero ang maganda raw ay hindi pa rin sila pinabayaan ng network at napakalaking bagay daw nito for her.


Same with Yves Flores na ni-recall pa ang gabi noong Mayo na nag-off-air ang ABS-CBN.

“Naaalala ko nu'ng gabing ‘yun, nanonood kami ng daddy ko, tapos nu'ng nakita ko na nag-sign off ‘yung ABS-CBN, siyempre, malulungkot ka dahil nawalan ka ng tahanan.


“Pero bilib ako sa kumpanya namin, sa ABS-CBN, dahil hindi kami pinabayaan, nagbibigay pa rin ng tulong-pinansiyal at alam mo ‘yun, naniniwala ako na lahat naman tayo, makakabangon.


“'Di ba, nasanay naman tayo sa mga teleserye ng ABS-CBN na ang bida, laging nabubugbog sa una at nakakabangon? At naniniwala ako na lahat ay makakabangon at magiging masaya lahat,” pahayag ni Yves na isa rin sa mga lead stars ng Bagong Umaga.


For Heaven Peralejo na unang nakilala bilang housemate sa Pinoy Big Brother Lucky 7, hinarap daw niya ang bagong umaga sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanyang mother station.


“What I did, sinuportahan ko ang ABS through online, kahit ano'ng puwedeng gawin para makabangon nga. Siyempre ako, masasabi kong gusto kong maging Kapamilya forever. Kasi kung paano ako alagaan ng management, kung paano ako bigyan ng chance, opportunity, sa lahat, nandiyan po sila para gabayan ako.


“Kaya hindi ko sila iiwan, never ko po silang iiwan kahit anon’g mangyaring struggles,” pahayag ni Heaven who’s getting her biggest break ever sa Bagong Umaga bilang isa sa mga bida.


Ang Bagong Umaga ay mapapanood na simula sa Oct. 26 sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live, 2-30 PM mula Lunes hanggang Biyernes. Kasama rin sa serye bilang isa sa mga lead actors si Tony Labrusca.

Ipinakilala na ng Star POP music label ang pinakabago nitong artist na si Kanishia na naglunsad ng debut single niya na A Little Taste of Danger.


Kahit na ngayon lang sumabak sa recording, hindi naman baguhan ang 19-anyos sa pag-arte, pagkanta at pagsasayaw. Nagsimula siyang mag-perform noong bata pa at may limang taon ding experience sa school theater productions.


"Nagustuhan ko pong kumanta mga 7 years old pa lang po ako, gusto ko po 'yung nagpe-perform sa stage, nag-e-entertain ng people. Hindi lang 'yung ipinapakita 'yung talent sa voice, pero acting din po," aniya.


Ngayon, bibida na si Kanishia sa mainstream sa puno ng good vibes niyang single na A Little Taste of Danger tungkol sa pagkawala sa comfort zone at pagdiskubre sa kung ano pa ang mga kayang gawin ng isang tao.


Ang singer-songwriter na si Marion Aunor ang nagsulat ng lyrics at musika ng kanta, habang sina Jack Rufo at ABS-CBN Music Creative Director Jonathan Manalo naman ang nag-produce nito.


Bagong adisyon si Kanishia sa magagaling na talents sa ilalim ng Star POP, isang music label ng ABS-CBN para sa mga kabataan na pinangungunahan ni Rox Santos.


Pakinggan ang bagong kanta ni Kanishia na A Little Taste of Danger na available na ngayon sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star POP sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at Instagram (@starpopph).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.