Search
  • BULGAR

Bagong sistema ng pagbabalik-eskuwela, dapat paghandaan hindi lang ng mga mag-aaral kundi ng mga gur

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 14, 2020


Turuan din ang mga magulang tungkol sa distance learning. 

Ito ang mungkahi natin sa Department of Education (DepEd) sa isang pagdinig sa Senado nitong nakaraang linggo kung saan tinalakay ang epekto ng kasalukuyang COVID-19 pandemic sa basic education system ng bansa. 

Nakikita nating malaki ang gagampanang papel ng mga magulang sa distance learning kaya mabuting handa rin sila na gabayan ang kanilang anak na mag-aaral gamit ang ganitong sistema sa darating na pasukan. Kailangang malaman ng mga magulang kung paano epektibong ituturo ang mga module at ipaiintindi ito sa kanilang anak. 

Inaasahang magiging aktibong katuwang ng mga guro ang mga magulang sa pagtuturo ng mga aralin sa distance learning, lalo na sa pangangasiwa ng mga module na gagamitin at paggabay upang mapag-aralan ang mga ito.

Iminungkahi rin natin ang pagkakaroon ng regular na komunikasyon sa pagitan ng mga guro at mga magulang. Ito ay upang magkaroon din ng paggabay ang mga magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak. Inaasahan nating gagamitin ang mga teknolohiya tulad ng Viber upang maging posible ito.

☻☻☻

Sa muling pagbubukas ng mga paaralan ngayong Agosto, isang malaking hamon para sa mga guro at mga magulang ang pagdaraos ng distance learning, lalo na ‘yung mga nasa liblib na lugar sa ating bansa at walang access sa computers at internet. 

Inaasahan din na may mga batang hindi makakapag-aral sa darating na pasukan, dahil sa kakulangan ng kagamitan o naapektuhan ng pandemic ang pinansiya ng pamilya.

Naiintindihan din nating hindi lahat ng mga magulang ay handa upang umalalay at gumabay sa kanilang mga anak kaya kailangang ikonsidera ito ng DepEd upang maging matagumpay ang distance learning scheme habang hindi pa puwede ang face-to-face classes sa ngayon.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.