Search
  • BULGAR

Bagong Mayor sa Hertsmere borough, isang Pinay

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Isang Pinay ang dineklarang bagong Mayor sa Hertsmere borough at ito ay si Councilor Cynthia Barker.


Pinakilala ang bagong Mayor ng lugar sa pamamagitan ng virtual annual council meeting noong June 24. Ayon sa isang report, sinabi ni Barker na hindi man ito naipagdiwang sa nakasanayang selebrasyon ay masaya pa rin ito at nagpapasalamat sa mga nagtiwala sa kaniya na mamuno sa kanilang lugar.


Unang naging councilor sa taong 2015, si Barker ang kauna-unahang Filipina na mamumuno sa administrative district. Ipinanganak si Barker sa Laguna at ngayon ay matagal ng naninirahan sa Hertsmere.


Bukod pa rito, kinilala ng Filipina Women’s Network at kabilang si Barker sa 100 Most Influential Filipina Women of the World noong 2017.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.