Search
  • BULGAR

Babala ng U.S.... China undersea cable plan, delikado

ni Mylene Alfonso | June 28, 2020




Nagbabala ang isang inter-governmental team ng Estados Unidos laban sa banta sa data security ng planong undersea cable connection sa pagitan ng U.S. at ng Hong Kong.

Ipinababasura ng U.S. Committee for the Assessment of Foreign Participation in the United States Telecommunications Services Sector sa Federal Communications Commission (FCC) ang bahagi ng undersea cable proposal ng Pacific Light Cable Network (PLCN), isang Chinese firm, na magdurugtong sa U.S. at HK.


Ang U.S. committee na tinatawag ding Team Telecom ay binubuo ng Department of Homeland Security at ng Department of Defense sa pangunguna ng Department of Justice’s National Security Division, Foreign Investment Review Section.


Noong Hunyo 17 ay inirekomenda ng Team Telecom ang partikular na pagbasura sa U.S.-HK undersea cable connection sa gitna ng pangamba ng digital at technology security threat at ng umiigting na alitan sa pagitan ng Trump administration at ng China.

Sa kabila ng marahas na mga protesta para sa kalayaan na kumukubkob sa HK, naniniwala ang Team Telecom na walang magagawa ang HK kundi ang sumunod sa intelligence-gathering at surveillance orders ng China.


Tinukoy din ng grupo ang banta ng undersea cable plan na direktang lalapag sa Chinese territory, kung saan nagpakita ang gobyerno ng People’s Republic of China (PRC) ng pagnanais na kunin ang mga datos ng mga mamamayan ng U.S. upang sirain ang U.S. national security.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.