Search
  • BULGAR

Babaeng tulak, timbog sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | June 29, 2020



NUEVA ECIJA—Isang babaeng drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bakal 3, Talavera.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Carolina Lapina, nakatira sa Bgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Lapina agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na si Lapina na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.