Search
  • BULGAR

Babaeng negosyante, niratrat

@Balitang Probinsiya | June 30, 2020



MASBATE—Isang babaeng negosyante ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Pina, Palanas.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Rebecca Bravo, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nasa loob ng kanyang bahay si Bravo nang tawagin ito ng mga suspek at sa pagdungaw ng biktima ay agad itong pinagbabaril ng mga salarin.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.