Search
  • BULGAR

Armadong pusher, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | June 25, 2020



BATANGAS—Isang armadong drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Sto. Niño, Taysan sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Enrique Orolfo, residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, may nakuhang impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Orolfo kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ay dito na dinakip ng pulisya ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng kalibre .38 revolver, mga bala at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.