Search
  • BULGAR

Apektado ng COVID-19 hindi na makakahawa makalipas ang 10 araw

ni Twincle Esquierdo - @News | June 26, 2020



Ayon sa Department of Health (DOH) ay pinapayagan ng lumabas ang mga pasyenteng konti lang ang ipinapakitang sintomas ng COVID-19. Base sa pag-aaral ay hindi daw ito nakakahawa. Kaya asahan din na mas dadami pa ang mga gagaling mula sa COVID-19, ayon kay DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sa ilalim ng lumang sistema ang mga pasyente ay masasabing lamang na cleared kapag ito ay negatibo sa dalawang magkasunod na RT-PCR test. "Hindi naman sasabihin ng RT-PCR sa'yo kung ang tao'y nakakapanghawa pa o hindi na. Ang sasabihin lang ng RT-PCR, nade-detect ko pa tung virus sa loob ng katawan mo," As long as the patient does not exhibit symptoms at all, 3 days na, and naka-reach na rin sya ng 10th day nya nung sakit nya, maaari na syang i-clear ng kanyang physician na pwede na syang umuwi." aniya Ang bagong sistema na may pamantayan ng World Health Organization na nagsasabing puwedeng ng ilabas ang mga pasyenteng pagkatapos ng 10 araw kung konti lang ang sintomas na ipinapakita nito "plus at least 3 additional days without symptoms." "With these updated guidelines, makaka-dagdag ito dun sa recoveries natin kasi nga hindi na natin kailangan hintayin magpa-test yung tao bago masabi natin na recovered siya," ayon kay DOH undersecretary Maria Rosario Vergeire. Noong nakaraang Huwebes ay 33,069 ang apektado, 8,910 ang gumaling at 1,212 naman ang namatay at hindi bababa sa 22,947 ang mga aktibo. Sa binagong discharge protocol, sinabi ni Vergeire na gumagawa sila ng paraan upang mas pababain pa ang 14-day quarantine sa kalahati (7-day quaratine)

Sa kasalukuyan sinabi niya na tumatagal ng isang buwan ang pasyente bago ito maialis sa listahan ng mga may COVID-19, dahil kailangan pa itong i-quarantine ng 2 linggo sa hospital o quarantine facility. "We all know now na 10 days pa lang, non-infectious na ang tao but still, we would want to be sure," Aniya

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.