Search
  • BULGAR

Anti-terror bill, kayang pumigil ng pag-atake sa ‘Pinas

ni Mylene Alfonso | June 25, 2020




Naniniwala ang isang multi-sectoral group na makatutulong ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Bill kontra sa madugong ekstremismo at radikalismo.


Iginiit ng Liga Independencia Pilipinas (LIPI), isang makabayang koalisyon na binunuo ng 48 organisasyon sa buong bansa, sa Malacañang at Kongreso ang pangangailangan ng Pilipinas ng Anti-Terror Law at Human Security Act (HSA).


"Sa panahong ginunita natin ang nakaraang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nararapat lang na isabatas na ang anti-terrorism bill," ani Jose Antonio "Ka Pep" Goitia, LIPI secretary-general.


Naniniwala si Goitia na mapipigilan ng ATB ang mga pag-atake ng mga terorista sa bansa.


Naniniwala rin ito na hindi banta ang ATB sa karapatan ng mga Pilipino.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.