Search
  • BULGAR

Anti-COVID-19 vaccine ng China, aprub na sa ‘Pinas

ni Thea Janica Teh | October 16, 2020




Aprubado na sa mga eksperto sa Pilipinas ang isa sa mga kandidatong vaccine ng China

para panlaban sa COVID-19 at maaari nang simulan sa Nobyembre ang phase 3 clinical trial nito, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).


Ayon kay FDA Director General Eric Domingo nitong Lunes, binigyan na umano ng

clearance ng vaccine expert panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) ang pharmaceutical company na Sinovac Biotech Ltd..


Sa pagbibigay ng clearance ng VEP, ang tanging hinihintay na lamang ng Sinovac ay

approval ng Single Joint Research Ethics Board (SJREB) ng Department of Health (DOH)

bago mag-apply ng clearance sa FDA.


Ibinahagi ni Domingo na ang nire-review ng VEP ay Phase 1 at 2 clinical trial habang ang

ebalwasyon ng pagpili ng mga indibidwal para sa trial ng vaccine ay manggagaling sa ethics board.


Samantala, nakadepende naman sa pagpapasa ng mga requirements ang pagsisimula ng clinical trial, ngunit ayon kay Domingo, posible na itong magsimula sa Nobyembre.


Dagdag pa ni Domingo, tatagal lamang ng 14 hanggang 21 araw ang ebalwasyon ng FDA sa Sinovac matapos itong aprubahan ng ethics board.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.