Search
  • BULGAR

Angkas, papayagan na — Palasyo

Updated: Jun 22

ni Mylene Alfonso | June 21, 2020



Malapit nang payagan ng pamahalaan ang angkas sa mga motorsiklo kasabay ng paghahanda ng iba't ibang ahensiya para sa safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ganitong uri ng transportasyon.

“Ang DOTr, kasama ang DOST, DOH, MMDA, DTI at Bureau of Philippine Standards ay inatasan na magpulong at alamin ang pinakaligtas at pinaka-epektibong paraan para mabawasan ang transmission sa backriding sa mga motorsiklo,” ani Presidential Spokesman Harry Roque sa Laging Handa public briefing.

Ayon sa Kalihim, posibleng payagan na ang backriding ngunit, dapat munang ilabas ang guidelines dito na magmumula sa National Task Force.

“So malapit na po ang backriding pero kinakailangan na ang NTF (National Task Force) ang mag-issue ng mga guidelines,” ani Roque.


"Pinapayagan na in principle ang backriding upon the approval of the requirements na isi-set ng Technical Working Group. Antay-antay na lang po muna at baka puwede nang mapayagan ang backriding," wika pa ni Roque.


Una nang nanindigan ang gobyerno sa pagbabawal sa angkas sa motorsiklo dahil na rin sa ipinatutupad na mga quarantine measures kontra COVID-19.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.