top of page
Search
  • BULGAR

Ancajas, planong itapat sa WBA Super Flyweight Champ

ni Gerard Arce - @Sports | July 13, 2020




Nakahanap ng panibagong itatapat si Top Rank boss Bob Arum para kay International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwyn Ancajas sa oras na matapos nito ang susunod na asignatura para sa pagdepensa sa korona.


Interesado ang American promoter na iharap ito kay newly-crowned World Boxing Association (WBA) Regular super flyweight titlist Joshua “El Profesor” Franco (17-1-2, 8KOs) na matagumpay na nakuha ang titulo sa pamamagitan ng unanimous decision victory laban kay Andrew Maloney ng Australia nitong nakalipas na Hunyo 23 sa MGM Grand sa Paradise, Las Vegas, Nevada.


This kid Franco who beat Andrew Moloney, he and Ancajas would be a tremendous fight,” saad ni Arum, na tila humanga sa kakayanan ng San Antonio, Texas-native na ma-upset ang noo’y undefeated na si Maloney (21-1, 14KOs), na kumatay na ng 11 Filipinong boksingero. “Golden Boy and ourselves interchange fighters, we did this even before the coronavirus. We have a good relationship with them,” dagdag ni Arum sa panayam ng RingTV.com.


Ngunit bago maganap ang pagtatapat ng dalawa ay kinakailangan muna nilang idepensa ang kani-kanilang mga titulo. Idedepensa ni Franco ang kanyang titulo laban kay Maloney para sa kanilang rematch sa hindi pa nababanggit na petsa at lugar, habang kailangan munang matapos ng 28-anyos mula Panabo City ang kanyang hindi matuloy-tuloy na laban kay Jonathan Javier “Titan” Rodriguez (21-1, 15KOs), na dalawang beses ng nauudlot.


Minsan nang naunsyami ang laban sa pagitan nina Ancajas at Rodriguez para sa 12-round title fight sa Carson City, California noong Nobyembre ng isang taon dahil sa pagkakaroon umano ng problema sa Visa ng Mexican challenger bago pa man ito magtungo sa Carson, kung kaya’t napilitang ikansela ng naturang promotional outfit ang laban dahil sa pagkadelay ng approval nito.


Patuloy pa ring nag-eensayo si Ancajas sa Survival Camp compound sa Imus, Cavite sa ilalim ni trainer Joven Jimenez, kung saan napanood niya ang laban nina Franco at Maloney na nagpahanga sa kan ya sa bagong kampeon. “If ever we are going to fight I won’t let my guard down,” sambit ni Ancajas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page