Search
  • BULGAR

AMEN Project ni Concepcion, para sa mga naapektuhang MSME

Updated: Jul 25

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | July 24, 2020




Hello, Bulgarians! Sa katatapos lamang na stakeholder meeting noong July 17, sinigurado ni ASEAN Business Advisory Council Philippines Chair Joey Concepcion na mas pinabilis, pinadali at abot-kaya ang pagsali sa mentorship bilang parte ng pagsuporta sa micro, small and medium enterprise (MSMEs) na naapektuhan ng pandemiya. Ito ay sa ilalim ng kanilang legacy project na ASEAN Mentorship for Entrepreneurs Network (AMEN) na suportad ng iba’t ibang ASEAN countries.


Ibnahagi ni Concepcion na aktibong dumadalo at nakikisali ang mga negosyante sa online mentorship program ng Pilipinas at ito ay ang Go Negosyo. Sinabi ni Concepcion na sa kabila ng pandemiya ay nakaisip pa rin sila ng solusyon para maihatid sa mga aspiring entrepreneurs ang mga tips sa magnenegosyo mula sa mga mentor. Sa kabila ng nararanasang krisis, ito ay nakapagbubukas pa rin ng oportunidad sa ibang mga negosyante.


Lubos din itong sinusuportahan ni ASEAN BAC Singapore chair Dr. Robert Yap na nangakong magbibigay ng assistance para sa MSMEs. Aniya, “The time of COVID has actually made everyone realize the importance of digitalization. The COVID situation has accelerated that. We have to help businesses drive digital transformation faster than normal.”


Ayon naman kay ASEAN BAC Thailand chair Arin Jira, kinakailangang magkaisa ang lahat lalo na sa ganitong sitwasyon. “We must help to ensure that the backbone of our economies is able to have access to financing, necessary management and marketing skills, access to digital technologies.”


Lubos namang ikinatutuwa ni ASAN BAC 2020 Chair Dr. Doan Duy Khuong ang AMEN project na ito dahil sa pagkakaisa ng iba’t ibang bansa na kabilang sa ASEAN. Ibinahagi niyang sa meeting na ito ay maraming naibahagi ang iba’t ibang speaker na makatutulong sa isa’t isa.


Kabilang sa mga nakidalo sa meeting na ito sina Dino Vega, ASEAN BAC Indonesia Council Chair, ASEAN BAC council members, AMEN mentors mula sa Philippines, Indonesia, Josephine Romero, Sr. Adviser for Go Negosyo at Sr. Adviser for ASEAN BAC PH Chair, George Barcelon at Michael Tan, ASEAN BAC PH council members, Norlela Suhailee, ACCMSME Head of Delegations at Head of Business Advisory & Services, Darussalam Enterprise (DARe), Dir. Jerry T. Clavesillas, Bureau of Small and Medium Enterprise Development at marami pang iba.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.