top of page
Search
  • BULGAR

After maibasura ang prangkisa ng Dos…RICHARD YAP, NASA GMA-7 NA AGAD!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 12, 2020




“Walang network contract si Richard (Yap) sa ABS-CBN kaya puwede siyang mag-guest sa ibang TV network,” ito ang sabi ng manager ng aktor na si Kate Valenzuela ng Kreativden.


Tinanong kasi namin kung totoo ang tsikang lilipat na ng GMA-7 si Richard dahil nag-guest siya sa Bawal ang Judgmental segment ng Eat… Bulaga!.


“With all due respect sa ABS-CBN at kahit walang kontrata si Richard, personal siyang nanghingi ng blessing kina CLK (Carlo L. Katigbak), CVV (Cory V. Vidanes) at DTE (Deo T. Endrinal) para mag-guest.


“The episode was taped last Wednesday (July 8) before ang hatol ng Congress sa ABS-CBN franchise,” paliwanag ng manager ng aktor.


Inulit namin kung lilipat na ba ng GMA-7 ang aktor?


“As of now, walang offer, pero kung mayroon, why not? Wala naman kaming kontrata. May blessing naman kami from ABS-CBN.”


Samantala, kinlaro rin ng manager niya na, “Never naging Star Magic talent si Richard.”

Co-management daw ng ABS-CBN si Richard nang lumabas siya bilang si Papa Chen sa Binondo Girl na sinundan ng Walang Hanggan, Be Careful with My Heart, Wansapanataym: Mr. Kung Fu Chinito, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, FPJ’s Ang Probinsyano, Super D, Sana Dalawa Ang Puso, Kadenang Ginto at iba pang TV guestings


Hayan, klaro, may basbas ng ABS-CBN si Papa Chen sa guesting niya sa Eat… Bulaga!.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page