top of page
Search
  • BULGAR

ABS-CBN, ipinagtanggol ng Kapuso actress…

GMA-7, WINISH NG BASHER NA MAIPASARA NA RIN DAHIL KAY GABBI

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 14, 2020




Bina-bash ng ilang netizens ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia dahil sa post nito sa social media tungkol sa pakikisimpatya sa pagsasarang muli ng ABS-CBN last July 11 (Biyernes).


Exclusive star man ng GMA-7, nanawagan si Gabbi sa kanyang Twitter followers na isama sa dasal ang 11,000 employees ng ABS-CBN na namemeligrong mawalan ng trabaho.


"Good night guys. Pakisama sa inyong dasal ang libu-libong mga Pilipino na nawalan ng trabaho. 'Wag kakalimutan," tweet ni Gabbi noong Sabado ng gabi (July 11).


Tila nagpahaging din siya sa 70 congressmen na pinaboran ang pagbasura sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.


Aniya, "Pakisama rin sa inyong mga dasal ang mga taong walang puso at kunsensiya. Lalo na sa panahon ng pandemya."


Isang basher ang nagsabing hindi big deal kung mawalan man daw ng trabaho ang (11,000) ABS-CBN employees dulot ng pagkawala ng prangkisa ng network. Puwede pa naman daw maghanap ng ibang trabaho ang mga ito.


Sabi ng basher, "Hindi po sila pinutulan ng paa at kamay. Hindi rin sila binulag para hindi makapagtrabaho o kumita ng pangkabuhayan nila.

"Bobo lang!


"Idol ko lahat ng Kapuso pero kung gusto n'yong sumama sa ABS-CBN, sana mapasara na rin ang GMA-7."


Tinawag ni Gabbi na "isang walang pusong troll" ang kanyang basher. Nasabi ni Gabbi na troll ang basher dahil dalawa lamang ang followers nito at kagagawa lang ng Twitter account noong April, 2020.

Si Gabbi ay isa sa mga miyembro ng Aktor, ang bagong-tayong liga ng Filipino actors na pinamumunuan ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes.


Magkahalong ABS-CBN at GMA-7 stars ang mga miyembro nito tulad nina Angelica Panganiban, Glaiza de Castro, Mylene Dizon, Iza Calzado, Gabbi Eigenmann at Agot Isidro. Kasapi rin dito ang boyfriend ni Gabbi at Kapamilya star na si Khalil Ramos.


Layunin ng Aktor ang magkaroon ng iisang boses sa mga isyung "pumipigil sa malayang paglikha" ng mga artista sa telebisyon at pelikula. At isa sa mariing tinututulan ng grupo ay ang "pagkakait ng Kongreso ng franchise sa ABS-CBN."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page