top of page
Search

65-anyos na mister, inaahas daw ng makakating babae… “I SAY THIS BECAUSE MAY ASIM PA ASAWA KO" — NIÑA

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary| August 9, 2024


Showbiz News
Photo: Mayor Niña Jose-Quiambao / IG


May makahulugang post ang 35-anyos na mayor ng Bayambang, Pangasinan sa kanyang Facebook (FB) account. Diretsahan niyang ipinahayag ang determinasyon niyang protektahan ang relasyon nila ng 65-anyos na asawang si dating Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar Quiambao.


Aniya, panahon na naman daw ng mga ‘itchy girls’ at ‘higad’ kaya’t bilang asawa, hindi niya pinahihintulutan ang sinuman na guluhin ang kanilang pamilya.


Aniya, “Warning: I say this because sa mundong ito panahon na naman ng mga itchy girls at higad. As a wife, I will always protect what is mine. So do not, ever ever ever try to cross what’s mine. Because I will find you, you know who you are. For your itchiness just use Claritin (medication to treat allergies).”


Dagdag pa niya, “I say this because may asim pa asawa ko."


Mabilis na kumalat ang post niya at umani ng suporta mula sa kanyang mga tagahanga at followers.


Binanggit din niya na handa niyang hanapin ang mga taong may masamang intensiyon sa kanyang mister. 


Ayon sa ilang netizens, tama lamang ang ginagawa ni Niña na protektahan ang pamilya laban sa mga taong maaaring magdulot ng gulo sa kanilang relasyon.


Komento ng mga netizens, “Crystal clear ang message ni Mayora, kaya kabahan na ang may hidden agenda d’yan. Go Mayora! Fight for your marriage and family, God bless your marriage.”


“Go! Idol Mayora. Eto talaga ang inaabangan ko everytime na nasa Bayambang ako, idol po kita, Mayora.”


Ganyan daw kung ipaglaban ni Niña Jose-Quiambao ang kanyang mister na super-guwapo sa paningin ng dating aktres. 


 

May isa pa nga raw na patay na ngayon… SIGAW NI OGIE: 'DI LANG SI SANDRO MUHLACH ANG AKTOR NA NA-HARASS 


Showbiz News
Photo: Ogie Diaz & Sandro Muhlach / IG

Topic nina Ogie Diaz sa kanilang YouTube (YT) channel with Mama Loi at Mrena ang tungkol sa iba pa umanong harassment experience ng iba pang mga aktor.


Ayon sa talent manager-vlogger, may iba pa umanong actors na nakaranas din ng harassment pagkatapos na magsalita ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach.


Kalat na sa showbiz industry ang nangyaring pambababoy umano ng dalawang independent contractors ng GMA kung saan inireklamo na ito ng anak ni Niño Muhlach.


Ang rebelasyon ni Sandro ay sinundan ng singer-theater actor na si Gerald Santos. Na-harass din umano siya nu’ng 15 years old pa lang siya mula sa isa ring empleyado ng GMA. 


Sa recent episode ng Showbiz Update, sinabi ni Ogie na naghihintay siya sa sagot ng kampo ng network. 


Ayon naman kay Mama Loi, isang dilemma sa mga kabataang nag-aartista na mabiktima ng pangha-harass at papangakuan na papasikatin. 


Lalo na sa edad noon ni Gerald na pinalipas pa ang dalawang taon bago niya inireklamo ang nang-harass sa kanya. Pero, hindi raw siya pinakinggan ng mga nasa higher position at banned pa siya sa network hanggang ngayon.


Ani Ogie, ngayon na lumabas na ang ganitong mga akusasyon, dapat daw ay lumabas na rin ang mga nabiktima ng harassment at magsalita na rin dahil alam daw niyang marami pa silang nabibiktima. 


Katunayan, may alam din daw siyang celebrity na nag-share sa kanya na biktima rin ng harassment tulad ng nangyari kay Sandro na popular na raw ngayon.


Pagbabahagi pa ni Ogie, may isa rin daw na aktor na hindi nag-file ng reklamo dahil namatay na. 


Sey niya, “Hindi na raw n’ya maipagtatanggol ang kanyang sarili kasi patay na s’ya.” 


May isa pa rin daw pero hindi na active sa showbiz.


Kung puwede nga lang daw niyang pangalanan ang mga alam niyang na-harass ay maloloka siya, dahil sa dami ng nakalista. 


Aniya pa, may mga involved din na non-showbiz personality but with power. 

“Puwedeng makapag-launch ng talent,” wika pa niya. 












0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page