Search
  • BULGAR

6 sa NBI, positibo sa COVID-19

Updated: Jun 22

ni Mylene Alfonso | June 21, 2020



Nagpositibo sa isinagawang COVID-19 rapid test ang anim katao sa National Bureau of Investigation (NBI).

Gayunman, hindi idinetalye ni NBI Spokesman Ferdinand Lavin kung ang anim na ay staff o detainee na nasa kustodiya ng NBI.


Nabatid na sumailalim sa rapid test ang mga detainees at staff na aabot sa 200 katao noong Biyernes.


Ani Lavin, isasailalim sa confirmatory swab test ang anim. Nalaman na nagsagawa ng rapid testing sa NBI matapos na mamatay ang isang matandang detainee dahil sa COVID-19. Isinailalim sa partial lockdown ang NBI noong Huwebes para sa isasagawang rapid test at disinfection.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.