Search
  • BULGAR

5 sugapa sa droga, tiklo sa pot session

@Balitang Probinsiya | June 28, 2020



CAPIZ—Limang drug addicts ang inaresto nang mahuli sa akto ng pulisya na nagsasagawa ng pot session sa Bgy. Culasi, Roxas City.


Nakilala ang mga suspek na sina Jay Lord Aligora, July Macalintal, Lanie Macalintal, Jema Binebelie at isang hindi pinangalanang menor-de-edad, pawang residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagsasagawa ng pot session ang mga suspek kaya agad sinalakay ng mga awtoridad ang drug den sa nasabing luhar at naaresto ang limang durugista.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na gramo ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.