Search
  • BULGAR

5 gov’t offices sa Boljoon, Cebu, isinara

ni Lolet Abania | June 29, 2020




Sarado ang mga opisina ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang Local Civil Registrar, ang Municipal Social Welfare, ang Municipal Planning and Development, at ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Boljoon,Cebu simula ngayong araw, matapos na isang empleyado ng national-line agency na nakatalaga sa naturang bayan ay magpositibo sa test sa coronavirus o covid-19.


Sa anunsiyong ibinigay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ipinahayag ni Boljoon Mayor Merlou Derama na ang lahat ng empleyado ng nasabing mga opisina ay inirekomendang mag-home quarantine.


Ayon kay Derama ang personnel mula sa local government unit ay patuloy naman sa ginagawang disinfection measures sa mga opisina upang hindi na kumalat pa ang virus.


Gayunman, mananatiling sarado muna ang limang government offices, subalit ang ibang opisina ng munisipalidad ay operational upang hindi mahinto ang pagbibigay ng serbisyo-publiko sa mga tao.


“The local government continues to disinfect the offices and takes care of the employees to prevent them from contracting covid-19 while they continue to deliver public services. While we protect the health of Boljoanons and the public, we assure that the services will not be sacrificed. Other offices will continue to be open,” sabi ni Derama.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.