Search
  • BULGAR

44 sports lang ang lusot sa Vietnam 31st SEA Games

ni Gerard Arce - @Sports | July 19, 2020




Tinatayang aabot lang umano sa 44 sports events ang nakikitang mailalagay ng Vietnam Organizing Committee para sa 31st Southeast Asian Games dahil sa kakulangan ng pondo nito dulot ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.


Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Atty. Edwin Gastanes, matatag umano ang paninindigan ng host country na Vietnam na babawasan nito ang bilang ng mga laro sa biennial meet, lalo pa’t marami ring bansa ang magnanais na maipasok ang kanilang mga pampalakasan sa regional multi-sports event.


We are assuming that the number of sports event in the coming SEAG will reduce to 44 sports only,” wika ni Gastanes. “It will be difficult for the Philippines to request for more sports as others will be requesting also other sports,” dagdag nito.


Sinabi rin ng Philippine Football Federation (PFF) general secretary na dulot ng mababang alokasyon ng pondo ng Vietnam na nahati sa 50%, malaki ang posibilidad na mahirapan ang ibang pampalakasan na maitulak ang kanilang mga gusto sa mga darating na pagpupulong ng SEAG Council Federation na nakatakda sa Martes, Hulyo 21 sa virtual-online na zoom.


Idinagdag pa nito na wala pang kasiguruhan kung ano-ano pang mga sports events ang mapapasama sa listahan nito, kung saan itutulak nitong mapasama ang medal rich at indigenous martial arts sport na Arnis at Triathlon.“Usually two sports lang realistically na ma-consider na request. Iyong ibang nalalabing countries may request rin yan. We do not know yet what will be added and the final list of sports. Maybe we know after next SEAG Federation meeting on July 22,” saad ng sports official.


Sa kagustuhan ng Vietnam na mabawasan ang mga sports event, inamin ni Gastanes na tanging 33 pampalakasan lamang ang naunang bilang na inilagay ng organizing committee nito, na kinalaunay iniangat sa 36 sports.


Bukod sa Arnis at Triathlon, inamin ni Gastanes na susubukan rin nilang mapasama ang tatlong sikat na sports sa mga kabataan ngayon; ang Skateboarding, Obstacle Course at E-Sports. Subalit, dahil nga sa limitadong hiling ng bawat bansa na gustong mailagay na pampalakasan, aasa na lamang ito na ipapasok ng ibang bansa ang mga sports na sa tingin nila ay may malaking tsansang magwagi ng medalya ang Pilipinas.


Nauna ng inihayag ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRAP) president Carl Sambrano na umaasa itong maisasama ang kanilang sport sa biennial meet kasunod ng matagumpay na paghakot ng 6 na gold; 4 silver at 1 bronze medal sa pangunguna ni 2018 Jakarta-Palembang Asian Games gold medalist Margielyn Didal na rumampa ng dalawang gintong medalya sa women’s Street at Game of Skate category sa women’s events katulong sina Christiana Nicole Means (women’s Park event) Jaime de lange (men’s downhill event); Daniel Ledermann (men’s Game of Skate); at Jericho “Kiko” Francisco (men’s Park event).


Congressman [POC president] Tolentino has said he will lobby for the inclusion of it while of course we are also getting the support of the IF World Skate and it’s member National Federations in the SEA region,” wika ni Sambrano sa panayam ng Bulgar sa online interview.


Sa ngayon, ang 36 sports na tiyak nang makakapasok sa Hanoi Games ay ang aquatics; athletics; archery, badminton, basketball (5-on-5 at 3x3), boxing, billiards and snooker, canoe at kayak, chess, xiangi (Chinese chess), at road cycling at mountain biking; fencing, football, futsal, golf, gymnastics (artistic, rhythmic at aerobic), indoor at beach handball, judo, karate, muay thai, pencak silat, pétanque, rowing, sepak takraw, shotting (pistol, rifle at shotgun), table tennis, taekwondo; tennis; Indoor at beach volleyball, weightlifting, wrestling (greco roman at freestyle wrestling), finswimming, bodybuilding, wushu, kurash, kickboxing at vovinam.


Susubukan pang maitulak ang mga sports na Jiujitsu, sailing, soft tennis, sambo, surfing, rugby, wakeboarding, pentathlon, windsurfing, baseball, softball, duathlon, squash, bowling, floorball, hockey (ice, indoor at underwater, ice skating, netball, polo, at water polo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.