Search
  • BULGAR

40 doktor ng Western Visayas ipapadala sa mga ospital sa Cebu City

ni Lolet Abania | June 28, 2020




Nakatakdang ipadala ang 40 doktor galing sa Western Visayas papuntang Cebu upang tumulong na labanan ang sakit na coronavirus o covid-19.


Una ipapadala ang 10 doktor sa Cebu sa Hunyo 29, ayon kay Dr. Sophia Pulmones ng Department of Health (DOH). Ang siyam na doktor ay mapupunta sa Doctors to the Barrios program, samantalang ang isa ay sa ilalim ng Post-Residency Deployment Program ng DOH.


Ipinaliwanag ni Pulmones na hindi mag-iisa ang mga doktor na ipapadala sa mga bayan sa Cebu kung saan sila magbibigay ng serbisyo.


“Ang mga LGUs na walang doktor sa kanilang rural health units, hindi na sila ide-deploy sa Cebu para hindi ma-hamper ang kanilang public health services,” ani Pulmones.


Dalawang linggong mananatili ang mga doktor sa iba’t ibang ospital sa Cebu, matapos nito ang pagsasailalim sa kanila ng 2-week quarantine.


Sa tala ng DOH, mayroong 4,417 kaso na ng coronavirus ang Cebu City.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.