Search
  • BULGAR

300 guest at staff ng isang night club sa Switzerland, isasailalim sa quarantine

ni Thea Janica Teh | June 28, 2020




Isasailalim sa 10-day quarantine ang halos 300 guest at staff ng isang night club sa Zurich, Switzerland matapos magpositibo ang 6 katao sa COVID-19.

Ang lalaking nagpositibo ay nasa Flamingo Club noong June 21 at natuklasang positibo sa COVID-19 noong June 25. Bukod pa rito, nagpositibo rin ang lima nitong nakasama.

Ngayong linggo, naitala sa Switzerland ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa virus. Ayon sa Health Minsitry, mula 18 ng Lunes, umabot ito sa 69 pagdating ng Sabado.

Isa lamang ang Switzerland sa European countries na patuloy na tumataas ang bilang ng nagpopositibo sa bagong COVID-19 infection.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.