Search
  • BULGAR

3 high-ranking CPP-NPA members, arestado sa Negros Occidental

ni Lolet Abania | August 1, 2020




Arestado ang tatlo umanong high-ranking members ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army ng pinagsanib na puwersa ng Army at PNP sa operasyong isinagawa sa Negros Occidental, kahapon.


Sa isang press release, ayon sa Army’s 79th Infantry Battalion Negros Occidental, naaresto ang tatlong miyembro ng CPP-NPA sa Sitio Victory, Barangay Minapasok sa bayan ng Calatrava.

Sa pinagsanib na puwersa ng tropa ng 79th IB at ng 6th Special Action Battalion ng PNP-Special Action Force kasama ang miyembro ng Calatrava Municipal Police Station naisagawa ang inter-agency operation sa paghuli sa tatlong suspek sa tulong ng mga concerned citizens ng naturang barangay.


Kinilala ang tatlong naarestong suspek na CPP-NPA personalities na sina Cristell Abordo alias Dulay, Mary dem Forones alias Nancy, at Rossine Enyong alias Lemay, ayon sa Army.


Sa ibinigay na report, si Abordo ang sinasabing Regional Communication/Intelligence ng CPP at dating Medical Staff ng Regional Strike Force, si Forones ang Regional Intelligence Secretary at Executive Committee Member at si Enyong ay isang platoon commander.


Nakumpiska rin sa tatlong babaeng suspek ang isang M-14 rifle, tatlong .3 revolver, apat rifle grenades, walong cellular phones, medical supplies at subversive documents.


Nasa kustodiya na ng Calatrava Municipal Police Station ang tatlong suspek para sa proper disposition at pagsasampa ng kaukulang kaso, ayon pa sa Army.


Pinasalamatan ni Lt. Col. Gerard Alvaran, 79th IB Commanding Officer, ang tagumpay ng joint inter-agency operation sa pagkakahuli ng tatlong NPA personalities, kasama ang ginawang pagtulong at kooperasyon ng mga residente ng Barangay Minapasok.


“It is a clear manifestation that the people of Calatrava are really tired of being pestered by the presence of the CPP-NPA terrorists who extort money and recruit innocent citizens in their area,” sabi ni Alvaran.


“While the joint AFP-PNP operations will continue to pursue these communist terrorists, I once again urge the victims of their deceptive recruitment in Northern Negros to return to the folds of the law, avail of the government’s Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) and live a normal life in the mainstream society with your families and loved ones,” dagdag ni Alvaran.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.