top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg

29 patay dahil sa masamang panahon – NDRRMC

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2023
1 min read

ni Lolet Abania | January 17, 2023



Umabot na sa 29 ang nasawi na nai-report ngayong Martes dahil sa low pressure areas, shear line, at Northeast Monsoon o Amihan simula Enero 2, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Base sa latest situational report ng NDRRMC, 8 sa naiulat na namatay ay mula sa Zamboanga Peninsula, tig-7 sa Eastern Visayas at Northern Mindanao, 5 mula sa Bicol, at tig-1 sa Davao Region at Soccsksargen.


Labinlima sa mga nasawi ay nakumpirma na habang 14 ay bineberipika pa.


May 4 katao pa ang nai-report na nawawala habang 12 ang nasugatan.


Ayon sa ahensiya, may kabuuang 1,398,103 indibidwal o 347,382 pamilya ang apektado ng masamang panahon mula sa 1,956 barangay sa buong bansa.


Hanggang ngayong Martes, nasa 155,203 katao o 37,984 pamilya na ang lumikas, kung saan nananatili ang mga ito sa 484 evacuation centers, habang may 48,193 displaced people o 12,841 pamilya ang nanunuluyan naman sa labas ng mga evacuation centers.


Nagpatupad na rin sa 14,150 indibidwal o 3,092 pamilya ng preemptively evacuation mula sa Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Caraga dahil sa patuloy na mga pag-uulan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page