Katas ng atis, epektib na pantanggal ng mikrobyo kaya oks panlinis ng banyo
- Govinda Jeremaya
- Jun 17, 2020
- 2 min read
Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang atis.
Alam n’yo ba na ang atis ay isa sa mga halamang kinikilala ng Philippine Institute Of Alternative Health Care (PITAHC-DOH)?
Ito ay dahil napatunayan na ang atis ay nakagagamot ng iba’t ibang karamdaman tulad ng mga sumusunod:
Gamot sa cancer dahil pinupuksa ng atis ang mga cancer cells
Sa sugat na nagnanana
Pagtatae
Bulate sa tiyan
Rayuma
Sa hinimatay
Kagat ng insekto
Diabetes
Bukod sa sikat ang atis laban sa cancer cells, kilala rin ito na pantanggal ng kuto. Gayunman, kapag ang atis ay pinantanggal ng kuto, dapat mag-ingat na hindi madamay ang mga mata dahil maaari itong masira.
Kinakatas ang atis at ito ang ginagawang shampoo. Gayundin, ito ay ginagamit na panlinis sa kusina at kagamitan sa pagluluto dahil kayang-kaya nitong patayin ang mga mikrobyong nagkalat sa kusina.
Maganda ring gamitin ang atis na panlinis sa buong CR o banyo dahil tulad ng nasabi na, napapatay ng katas ng atis ang mga mikrobyong nasa loob at labas ng banyo.
Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang pag-aaral sa kakayahan ng atis na makagamot ng cancer dahil ang atis ay isa sa most promising herbal para sa may cancer.
Narito naman ang mga sustansiyang makukuha sa pagkain ng atis:
Protein
Tryptophan
Lysine
Methionine
Ascorbic Acid (Vitamin C)
Thiamine
Riboflavin
Niacin
Carotene
Ash
Phosphorus
Calcium
Iron
Muli, pinag-iingat sa paggamit ng katas ng dahon at katas ng buto ng atis kapag gagamiting pamatay ng kuto dahil maaaring mapinsala ang mga mata na puwede ring mauwi sa pagkabulag.
At ang isa pang mahalagang dapat malaman ay dahil ang balat at buto ng atis ay ginagamit ng kababaihan sa problema nila sa menstruation o regla, dapat malaman din na ang atis ay abortifacient.
Good luck!








Comments