top of page

Bye, mamahaling skincare products na nga ba? PAGKAING PANTANGGAL NG ACNE SCARS

  • Justine Daguno
  • Jun 13, 2020
  • 2 min read

Marami ang namumroblema sa pagkakaroon ng acne scars dahil para sa kanila, hindi ito magandang tingnan at nakakababa ng self-confidence.

Malaking bagay ang magandang kutis para sa marami sa atin kaya importante na palagi itong healthy o maganda. Worry no more dahil ang acne scar ay hindi kailangang maging permanente kaya naman, narito ang ilan sa mga home remedy na maaaring makatulong upang mawala ang mga ito:

  1. Kamatis. Malaking tulong ang kamatis upang maremedyuhan ang acne scars. Ang taglay nitong Vitamin A at carotenes ay nagsisilbing antioxidant compounds na maaaring magpagaling ng mga nasirang tissue o balat at nakatutulong na muling maibalik ang mga healthy cell. Maghiwa lamang ng ilang piraso nito saka banayad na ipahid sa mukha at ibabad ng ilang minuto bago banlawan sa maligamgam na tubig.

  2. Pipino. Maaari namang gamitin ang cucumber juice bilang alternatibong skin toner. Makatutulong ang cucumber o pipino upang mabawasan ang pamamaga ng balat dulot ng acne. Ang pipino ay water-based kaya bukod sa matutulungan nitong ma-relax ang balat, mabisa rin itong pang-hydrate ng kutis.

  3. Egg whites. Ang paggamit ng egg white ang pinakamadali at mabisang paraan upang magamot ang acne scar. Kunin lamang ang puti ng itlog at gamit ang cotton ball o bulak, ipahid ito sa kabuuan ng mukha o tila gawing facial mask at ibabad ito overnight. Ang itlog ay sagana sa protina at ang direktang paglalagay nito sa balat ay mabisang paraan upang maalis ang mga “unwanted scars”.

  4. Tubig. Isa sa mga natural na pampaganda ng kutis ay ang pagkonsumo ng tubig. Ang pag-inom ng walo hanggang 12 baso ng tubig araw-araw ay hindi lamang nakakapagpa-hydrate ng balat kundi nakatutulong din upang mabilis na maalis ang toxins sa katawan na dahilan kaya madaling tumatanda at nasisira ang balat ng tao.

  5. Rosehip seed oil. Ito ay mabisang pantanggal ng acne scar at pampabawas ng discoloration ng balat. Bukod pa rito, ang rosehip seed oil ay epektib ding anti-aging agent o pantanggal ng mga wrinkles at pampasigla ng balat kaya madalas itong isinasangkap sa cosmetic products. I-massage lamang ito sa balat o saanmang apektadong bahagi nang dalawang beses kada araw upang mas mabilis na makita ang resulta.

  6. Yelo. Ang pag-a-apply ng yelo sa mukha ay mabisang paraan upang mabanat o maisara ang pores ng balat. Bukod pa rito, maaari itong gamitin bilang natural astringent na pantanggal o pampaimpis ng acne scars.

Tandaan na ang mga home remedies na ating nabanggit ay inirerekomenda lamang para sa mga mayroong mild acne scars, kaya kung malala na ang kondisyon ating acne scars, makabubuting ipakonsulta na ito sa mga dermatologist dahil ang mga ganitong kondisyon ay mas nangangailangan ng payo at gabay mula sa mga eksperto. Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page