Akala mo, binibigay lang sa nililigawan o dyowa, ‘noh?.. Rosas, punumpuno ng bitamina, ginagamit din
- Govinda Jeremaya
- May 29, 2020
- 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“Magandang flowers in the middle of the garden, so angry kung ika’y pitasin, ang iyong tangkay kung aking putulin, ang puno mo kaya’y magtampo sa ‘kin?” Ang maiksing tula sa itaas ay ginagamit ng mga binata sa panliligaw noong ang ating bansa ay kumikilala ng mga tula.
Kapag malakas ang loob ng isang binata, ito ay kanyang tinutula sa harap ng dalagang napupusuan. Kapag naman mahina ang loob, ito ay kanyang isinusulat sa kapirasong papel at ibinibigay sa dalawang nililiyag.
Ang bulaklak na tinutukoy sa tula ay ang bulaklak na rose dahil ito ay simbolo ng love. Gayunman, ang rose ay hindi lang iniuugay pag-ibig kundi may iba pang gamit.
May medicinal benefits din ang roses at huwag kang magulat dahil ang rose is more than just any beauty.
Taglay ng roses ang maraming flavonoids, fruit sugars tulad ng fructose, glucose at maltose, may mga amino acids, essential oils tulad ng citronellol, geraniol, eugenol, nerol at phenyl ethanol. May mga sustansiya rin ang roses tulad ng Vitamins A, B1 (Thiamine), B2 (Riboflavin), B3 (nicotinic acid), B7, B9, H o niacin, C, D, E at K. Mayroon ding minerals ang rose: Potassium Calcium Magnesium Iron Zinc Sodium Copper Iodine Chromium Nickel
Ginagamit ang roses bilang: Anti-depressant Anti-spasmodic Aphrodisiac Astringent Sedative Digestive stimulant Increases bile production Expectorant Anti-bacterial Anti-viral Antiseptic Kidney tonic Menstrual regulator Anti-inflammatory Para mapakinabangan ang medicinal properties ng rose, ito ay pinakukuluan o puwedeng ibabad sa mainit na tubig saka iinumin tulad sa pag-inom ng tea. Puwedeng-puwede rin kainin ang flowers of rose. Puwede rin itong isama sa sangkap ng salad.
Kinakatas naman ang rose para gawing lotion.
Hindi lang pala mga makata o poets ang humahanga sa roses, hindi lang mga dalaga at mga mahilig magpaganda dahil kapag nalaman mo ang maraming gamit ng rose tulad ng nabanggit sa itaas, masasabi mong “Rose is more than just a beauty.” Good luck!








Comments