top of page

Pagiging nega, dapat labanan bago humarap sa mga problema

  • Nympha
  • May 27, 2020
  • 3 min read

Panahon ng krisis, paano mo ba hinaharap ang ganitong hindi pamilyar na sitwasyon? Inaasahan mo bang maging matagumpay ka habang hinaharap ang ganitong pagsubok? Kailangang harapin ang problema kahit nagiging negative thinker ka na.

Unang-una pansinin ang sarili na kung mayroon ka mang kinaharap na napakabigat na problema noon ay nagawa mo na rin naman itong lutasin, bakit hindi ngayon na panahon ng krisis sa pandemya? Napakaraming bilang ng mga nasubukan nang mga nilalang sa mundong ito ang nakalutas ng sarili nilang mga suliranin nang hindi nag-isip ng anumang negatibong bagay.

Halimbawa na lang ng mga estudyante na hinati sa dalawang IQ groups. Sinabihan ang kabilang grupo na ang kanilang IQ ay mababa kaya lalong bumabagsak ang kanilang performance kahit na ang kanilang IQ ay napakataas kung tutuusin. Habang ang mga estudyanteng sinabihan na napakataas ng kanilang IQ ay nagsimulang umibayo ang performance gayung sila ang talagang nasuring may pinakamababang mga IQ.

Ang pagtakdang negatibo sa bagay sa nakalipas ang magbibigay sa iyo ng paniniwala na hindi ka mahusay sa isang bagay at wala kang puwang para magtagumpay.

Ang mahirap pa, oras na natanim sa isipan mo ang paniniwalang ‘yan, nakukulong ka na sa ganitong pag-iisip, kaya naman inaasahan mong lagi kang bigo. Kaya ang kabiguang ‘yan ang magbibigay sa iyo ng maraming dahilan para asahan mong mabibigo ka ulit sa susunod. Kaya naman tuluy-tuloy itong mangyayari hanggang sa hindi talaga darating sa buhay ang magtagumpay.

Sa kabilang banda, kung inuugali mo nang imadyinin sa sarili na tagumpay ka, ito ang susi para makawala ka sa negatibong isipan gaya na rin ng mga estudyanteng nasuring lagpak ay nagawa nilang umibayo sa kanilang aralin, sapagkat iniisip nilang sila ay matalino kahit hindi.

Turuan mo ang iyong isipan na ang tagumpay ay madali lamang makamtan kapag ikaw ay naniniwala sa iyong sariling kakayahan.

Halimbawa na lang ng Olympic athletes, madalas nilang imadyinin ang sarili na perpektong nagpe-perform bilang bahagi ng kanilang training routine. Gaya nila, imadyinin mong kaya mong magpasirku-sirko sa hangin ng ilang beses. Kumbinsihin ang iyong sarili na kaya mo ito at mangyayari tulad na rin ng iyong iniisip.

Totoo ito sa mga walang kaya pero natututo dahil mas lamang na sa kanila ang positibong isipan. Pero kung gumugulo sa isip na hindi mo kaya ang lahat ng natututunan mo, maski hindi mo man maabot ang antas ng tagumpay na inaasahan, umpisahan na agad ang mabilisang programa ng positibong panghihikayat sa sarili. Kailangan ito para sa espesyal na atensiyon habang nagtatagumpay sa buhay.

Halimbawang tapos ka nang magtipa ng kuwento, hindi ba ang galing? Purihin mo na agad ang iyong sarili. Gantimpalaan ang sarili dahil sa nagtagumpay na trabaho. Ipunin mo na ngayon ang file na ‘yan. Isigaw sa sarili na “Nakagawa na ako ng kuwento!” “Mahusay na akong tao at lagi nang may kalakip na tagumpay sa bawat ginagawa ko!”

Kung bigla ka na namang nag-iisip ng pagkabigo, alisin ito sa isipan at sa halip ay palitan ng tagumpay na nangyari sa buhay. Sabihin sa sarili na matalino ka at mahusay na tao at karapat-dapat na maging tagumpay.

Paulit-ulit itong isaisip hanggang sa makasanayan na itong tanggapin at ugaliin sa isipan at gawain. Oras na matutunan mo nang papurihan ang sarili at oras na masimulan mo nang makaasa ng tagumpay at magugulat ka na lang kung paano ang dating mga hadlang ay sasapawan ng sariling paglago, nahahasa rin ang talent o career na sa simula’y maliit lang.

Hindi napapansin na kumakapit na ang tagumpay habang pinayayaman ang paglago ng pagkapositibo sa buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page