top of page

Shoutout sa mga young at heart d'yan... Dapat gawin para 'di mabuking ang edad 'pag naki

  • Nympha
  • May 24, 2020
  • 2 min read

Karamihan sa kalalakihan at kababaihan na nasa edad 40 hanggang 50 ay hindi halata sa kanilang edad, well, dahil na rin marahil sa kanilang mga sikreto at ‘yan ang alamin natin mula sa artikulong isinulat ni Jennifer Tweed.

Kung may dumaraan sa siyensiya ng botox injections, face lifts at liposuction at iba pang klase ng pampabata ang hitsura, ang iba naman ay nakadepende sa pangangalaga at pagpapanatili ng kanilang ganda ng mukha at katawan. Importante kasi sa kanila na maitago nila ang tunay na edad sa pamamagitan ng iba’t ibang natural na pamamaraan.

At dahil dumarating na r’yan ang edad ng pagiging malilimutin, inililista niya ang sariling record sa pakikipag-usap, isusulat ang mga bagay na mahirap na tandaan at saka niya gagamitin sa naayon na panahon.

May 5 madaling bagay lamang upang maitago ang tunay na edad sa kausap:

1. Iwasang magbanggit o kumanta ng tungkol sa Beatles o Madonna na katunayan ay nasa mundo ka na ng Dekada ‘60 o ‘70. Sa halip, banggitin na lamang ang tungkol sa mga uso noong 1995 hanggang 2000 para hindi nila masabing matanda ka na.

2. Huwag mo ring mababanggit kung nasaan ka noong mapaslang si John Lennon sa New York noong Dekada ‘80. Sabihin mo na lang na nanonood ka ng concert ng bulilit na si Lea Salonga at nalaman mo na lang ang tungkol kay Lennon sa history class ninyo.

3. Huwag gunitain na una kang nakagamit ng black and white computer o ‘yung berde pa ang kulay ng mga letra at floppy disk pa ang ginagamit sa pag-save ng mga data.

4. Huwag mo ring ipagsabi na nagsimula ang Iran-Iraq war at ang pagkakatuklas sa rubiks cube noong Dekada ’80, pati na ang pagsikat ng punk-rock, new wave. Pati na mga pelikula nina Clint Eastwood, Eddie Murphy, Silvester Stallone at Michael J. Fox. Sa halip, sabihin na “kinikilig” ka sa mga pelikula nina John Lloyd at Bea Alonzo o kaya ay sa mga cute na eksena nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

5. Huwag mo ring sabihin ang pinakamagandang sitcom noon ay ang Three’s Company at Diff’rent Strokes. Banggitin na lang maraming matututunan sa Sesame Street at Batibot at kung hindi lang natapat sa oras ng pag-aaral mo noon ay napapanood mo sana ang The Simpsons.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page